Friday, September 26, 2008

kawawa naman si dra. loi estradarl

dati rati erap na erap ako. kahit anong gawin o sabihin nila laban kay erap ay hindi ako naniniwala. buong akala ko matino siyang tao hanggang nabalitaan ko ang isang pangyayaring nakakakilabot na ginawa niya.

ang nagsabi sa akin nito ay mga tauhan pa niya at ultimo si sen. jinggoy estrada ay hindi maipagkaila ito at masama ang loob tungkol dito.

ito ho ay ang tuluyan ng pagalis ni dra. loi ejercito estrada sa tahanan nila sa polk street, greenhills. hindi na ho kaya tiisin ng martyr na si dra ang pambababoy sa kanya ni erap na lumalabas ay tunay na bastos.

kumpirmado ho kasi na ang bagong kabit ni erap ay itong si margo na kasalukuyan niyang spokesperson. okay sana kung spokesperson lamang pero nahuli sa akto ni dra na may ginagawa ang dalawa sa sariling pamamahay nila.

sabi sa akin ng ilan sa katulong nila na awang awa kay doktora ay umalis ito at tumungong us upang magpalamig at pagkabalik ay nakatira na sa bahay ni jackie ang anak niyang babae na kasal kay beaver lopez.

naintindihan ko si dra. imagine, payag na nga siya at hindi na nga kumikibo na lantarang ang pambababae ni erap ay hihiyain pa siya nito at hindi bibigyan ng anumang respeto dahil sa sariling pamamahay pa niya ginawa.

erap, hindi na kita presidente, kakahiya ka. napakababoy mo. kala mo sino kang guwapo pero katotohanan ay bastos ka at walang modo. katunayan, dapat sa iyo nabilanggo ka ng tuluyan.

dra. loi, ma'am tama ho kayo na nilayasan niyo. sobra na ang pagmamartyr niyo at wala naman kayong mapapala riyan dahil hindi lang siya bastos kung hindi walang utang na loob ni konti.

ma'am hindi ko ho kayo pinangungunahan pero dapat yata siya ang palayasin niyo at idimanda niyo pa para hindi siya tularan ng ibang mga lalaking manloloko.

No comments: