Sunday, September 28, 2008
sept 27 2008 abante tonite issue
Kabit ng ex-official, ibinugaw ng anak sa labas
(Rey Marfil)
Sa kabila ng ginawang ‘pangba-baboy’ sa kanilang tahanan, hindi pa rin maitago ang pagiging martir ng misis ng kilalang ex-Palace official matapos bumalik ng bahay, sa ngalan ng pagmamahal sa kanyang pamilya at pangambang masira ang reputasyon ng mga anak.
Ang pinakamasakit lamang sa lahat, isa sa ‘anak sa labas’ ng kilalang ex-Palace official o ‘love child’ sa ibang babae ang tumayong bugaw para makilala ng kanyang ama ang bagong karelasyong bebot, sa katauhan ng isang bar flanker na tumatayong legal counsel at taga-pagsalita nito.
Nakapasok sa kampo ng kilalang ex-Palace official ang bagong karelasyong bebot dahil sa impluwensya ng kanyang “anak sa labas” at mabilis din tinanggap sa trabaho dahil natipuhan lalo pa’t kahawig ng ilan sa mga naikama nito.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, malapit sa isa sa mga “anak sa labas” ng kilalang ex-Palace official ang bagong karelasyon nito, as in mismong “love child” mula sa dating sexy star ang nagbitbit sa bebot at nagpakilala sa kanyang ama para irekomendang legal counsel at spokesperson.
Bagama’t hindi literal na “ibinugaw” ang bagong karelasyong bebot, walang ibang sinisisi ang mga lehitimong anak o legitimate children ni ex-Palace official kundi ang “kapatid sa labas” dahil nakaiwas sana sa ganitong eskandalo ang kanilang ama kundi pinakilala at ipinagpilitang gawing legal counsel at tagapagsalita ng kanilang pamilya ang kabit nito.
Maging lehitimong asawa ng kilalang ex-Palace official, hindi maitago ang sama ng loob sa kanyang step-son dahil dalawang beses nang pinagtaksilan ng mag-ina at ngayo’y nagawa pang ‘babuyin’ ng kanilang ama ang sariling teritoryo nito.
Kahit isinusumpa ang ginawang pagtataksil at pangba-baboy ng mister at inarkilang tauhan sa kanilang tahanan, napilitan pa rin magbalik-bahay ang misis ng kilalang ex-Palace official, alinsunod sa payo ng mga kaibigan at panghihimok ng mga kapamilya dahil maapektuhan ang imahe ng mga lehitimong anak.
Clue: Kung pagiging martir at kabaitan ang pag-uusapan, puwedeng ihanay sa mga bayaning nagbuwis ng buhay ang misis ni ex-Palace official habang ang step-son na nagbugaw sa bagong karelasyon ng kanyang ama, ito’y kamukha ng komedyanteng nagtitinda ng balut. Abangan ang iba pang kaganapan.
(www.mgakurimaw.blogspot.com)
Wednesday, October 8, 2008
Saturday, October 4, 2008
buntis si margaux
sobrang sakit itong nararamdaman ni dra. loi na hindi ko talaga maintindihan bakit nagpapaka martyr ng husto. hindi na bale na babaerong sobra itong si pangulong erap pero ang magkalat ng dumi sa loob mismo ng pamamahay ni doktora at mahuli pa sa akto ay sobrang pang-aalipusta at pang-aapi sa kanya.
masakit nito ay ang bagong balita na buntis daw itong si margaux na isa palang bagsak sa bar, opo hindi po siya abogado, gaya ng pinalalabas ng ilang mga malalapit kay erap. dati ho malapit ako pero ngayon, diring diri ako sa kanya dahil babae ako na lubos na nasasaktan sa niya.
erap, bulag ka ba. kaya nagpabuntis iyan dahil kuwarta ang habol niya sa iyo. ano pa ba ang gusto niya sa iyo. akala mo ba magandang lalaki ka pa. matanda ka na at kahit siguro sa sex hindi mo na kayang tumagal.
totoo rin ba na pinagpatayo mo siya ng bahay ngayon. bakit hindi mo pa riyan itira sa polk, nilayasan ka na naman ni doktora. pasalamat ka hindi ako ang misis mo dahil kung hindi putol ka na dimanda pa abutin mo sa akin.
oo nga pala, itong si margaux ay girlfriend ng isang anak ng isang newspaper publisher. ang ina ng boyfriend ni margaux alam na ang pagiging mukhang kuwarta niya.

Friday, September 26, 2008
kawawa naman si dra. loi estradarl
dati rati erap na erap ako. kahit anong gawin o sabihin nila laban kay erap ay hindi ako naniniwala. buong akala ko matino siyang tao hanggang nabalitaan ko ang isang pangyayaring nakakakilabot na ginawa niya.
ang nagsabi sa akin nito ay mga tauhan pa niya at ultimo si sen. jinggoy estrada ay hindi maipagkaila ito at masama ang loob tungkol dito.
ito ho ay ang tuluyan ng pagalis ni dra. loi ejercito estrada sa tahanan nila sa polk street, greenhills. hindi na ho kaya tiisin ng martyr na si dra ang pambababoy sa kanya ni erap na lumalabas ay tunay na bastos.
kumpirmado ho kasi na ang bagong kabit ni erap ay itong si margo na kasalukuyan niyang spokesperson. okay sana kung spokesperson lamang pero nahuli sa akto ni dra na may ginagawa ang dalawa sa sariling pamamahay nila.
sabi sa akin ng ilan sa katulong nila na awang awa kay doktora ay umalis ito at tumungong us upang magpalamig at pagkabalik ay nakatira na sa bahay ni jackie ang anak niyang babae na kasal kay beaver lopez.
naintindihan ko si dra. imagine, payag na nga siya at hindi na nga kumikibo na lantarang ang pambababae ni erap ay hihiyain pa siya nito at hindi bibigyan ng anumang respeto dahil sa sariling pamamahay pa niya ginawa.
erap, hindi na kita presidente, kakahiya ka. napakababoy mo. kala mo sino kang guwapo pero katotohanan ay bastos ka at walang modo. katunayan, dapat sa iyo nabilanggo ka ng tuluyan.
dra. loi, ma'am tama ho kayo na nilayasan niyo. sobra na ang pagmamartyr niyo at wala naman kayong mapapala riyan dahil hindi lang siya bastos kung hindi walang utang na loob ni konti.
ma'am hindi ko ho kayo pinangungunahan pero dapat yata siya ang palayasin niyo at idimanda niyo pa para hindi siya tularan ng ibang mga lalaking manloloko.

Subscribe to:
Posts (Atom)