Wednesday, October 8, 2008

SIR REY, SI ERAP ITO AT SI DRA. LOI ANG MARTYR NA ASAWA

Sunday, September 28, 2008

sept 27 2008 abante tonite issue
Kabit ng ex-official, ibinugaw ng anak sa labas
(Rey Marfil)
Sa kabila ng ginawang ‘pangba-baboy’ sa kanilang tahanan, hindi pa rin maitago ang pagiging martir ng misis ng kilalang ex-Palace official matapos bumalik ng bahay, sa ngalan ng pagmamahal sa kanyang pamilya at pangambang masira ang reputasyon ng mga anak.
Ang pinakamasakit lamang sa lahat, isa sa ‘anak sa labas’ ng kilalang ex-Palace official o ‘love child’ sa ibang babae ang tumayong bugaw para makilala ng kanyang ama ang bagong karelasyong bebot, sa katauhan ng isang bar flanker na tumatayong legal counsel at taga-pagsalita nito.
Nakapasok sa kampo ng kilalang ex-Palace official ang bagong karelasyong bebot dahil sa impluwensya ng kanyang “anak sa labas” at mabilis din tinanggap sa trabaho dahil natipuhan lalo pa’t kahawig ng ilan sa mga naikama nito.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, malapit sa isa sa mga “anak sa labas” ng kilalang ex-Palace official ang bagong karelasyon nito, as in mismong “love child” mula sa dating sexy star ang nagbitbit sa bebot at nagpakilala sa kanyang ama para irekomendang legal counsel at spokesperson.
Bagama’t hindi lite­ral na “ibinugaw” ang bagong karelasyong bebot, walang ibang sinisisi ang mga lehitimong anak o legitimate children ni ex-Palace official kundi ang “kapatid sa labas” dahil nakaiwas sana sa ganitong eskandalo ang kanilang ama kundi pinakilala at ipinagpilitang gawing legal counsel at tagapagsalita ng kanilang pamilya ang kabit nito.
Maging lehitimong asawa ng kilalang ex-Palace official, hindi maitago ang sama ng loob sa kanyang step-son dahil dalawang beses nang pinagtaksilan ng mag-ina at ngayo’y nagawa pang ‘babuyin’ ng kanilang ama ang sariling teritoryo nito.
Kahit isinusumpa ang ginawang pagtataksil at pang­ba-baboy ng mister at inarkilang tauhan sa kanilang tahanan, napilitan pa rin magbalik-bahay ang misis ng kilalang ex-Palace official, alinsunod sa payo ng mga kaibigan at panghihimok ng mga kapamilya dahil maapektuhan ang imahe ng mga lehitimong anak.
Clue: Kung pagiging martir at kabaitan ang pag-uusapan, puwedeng ihanay sa mga bayaning nagbuwis ng buhay ang misis ni ex-Palace official habang ang step-son na nagbugaw sa bagong karelasyon ng kanyang ama, ito’y kamukha ng komedyanteng nagtitinda ng balut. Abangan ang iba pang kaganapan.
(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Saturday, October 4, 2008

buntis si margaux

sobrang sakit itong nararamdaman ni dra. loi na hindi ko talaga maintindihan bakit nagpapaka martyr ng husto. hindi na bale na babaerong sobra itong si pangulong erap pero ang magkalat ng dumi sa loob mismo ng pamamahay ni doktora at mahuli pa sa akto ay sobrang pang-aalipusta at pang-aapi sa kanya.

masakit nito ay ang bagong balita na buntis daw itong si margaux na isa palang bagsak sa bar, opo hindi po siya abogado, gaya ng pinalalabas ng ilang mga malalapit kay erap. dati ho malapit ako pero ngayon, diring diri ako sa kanya dahil babae ako na lubos na nasasaktan sa niya.

erap, bulag ka ba. kaya nagpabuntis iyan dahil kuwarta ang habol niya sa iyo. ano pa ba ang gusto niya sa iyo. akala mo ba magandang lalaki ka pa. matanda ka na at kahit siguro sa sex hindi mo na kayang tumagal.

totoo rin ba na pinagpatayo mo siya ng bahay ngayon. bakit hindi mo pa riyan itira sa polk, nilayasan ka na naman ni doktora. pasalamat ka hindi ako ang misis mo dahil kung hindi putol ka na dimanda pa abutin mo sa akin.

oo nga pala, itong si margaux ay girlfriend ng isang anak ng isang newspaper publisher. ang ina ng boyfriend ni margaux alam na ang pagiging mukhang kuwarta niya.